TV Patrol

Miss England at Miss Guam, nakaranas din umano ng sexual harassment habang nasa bansa

ABS-CBN.com November 08, 2018 09:15 PM


Kasunod ni Miss Earth-Canada Jaime VandenBerg, Ibinulgar nina Miss England Abbey-Anne Gyles-Brown at Miss Guam Emma Sheedy na nakaranas din umano sila ng sexual harassment sa Miss Earth pageant dito sa bansa.


Si Gyle-Brown ay isang professional dancer sa England; reporter-photographer naman sa Guam si Sheedy.


Sa kanyang Instagram post ngayon, isiniwalat ni Sheedy na dinakma ng isang male sponsor ang kanyang likuran sa national costume competition. Naitulak niya raw ito pero sinabihan daw siya ng sponsor na huwag sabihin sa iba ang insidente.


“[] grabbed my bare backside at the National Costume Competition where I was able to push him away, but he consistently told me not to tell anyone about any of the instances,” ayon sa post ni Sheedy.


Ibinulgar din niya ang imbitasyon nitong dadalhin siya sa Boracay. Pinilit din daw siya at iba pang Latin candidates na magsayaw para sa kanya.


“I was pulled aside multiple times to be invited to Boracay, private islands and into his house and insisted that I and ‘the Latino women dance for him’”


Giit naman ni Miss England, bagamat masaya siya sa kanyang biyahe sa Pilipinas, naghinagpis din siya sa pang-aabusong naranasan niya sa isang sponsor na humingi ng sex kapalit ang korona.


Naganap daw ang insidente sa Manila Yatch Club kung saan din na-harass umano si Miss Canada at iba pang deligates.


Iginiit naman ni Miss Earth organizer Lorraine Schuck ang suporta sa mga beauties. Hindi niya raw palalampasin ang scandal ng sexual harassment sa pageant na pinaghirapan niyang itayo noong 2000.


Kailangan daw idaan sa legal na proseso ang isyu kung saan may malinaw na salaysay at paglahad ng ebidensya sina Miss Canada, Guam at England. Kukuha pa raw siya ng abogado para sa kanila.


Kinalap na rin daw niya ang written testimonies ng mga candidates, secutiry escorts at team managers sa insidente.


Nilinaw din niya na ang kalaban dito ay hindi ang Miss Earth kundi ang mga pinaghihinalaang sponsors.


Ang buong detalye sa pagpapatrol ni Mario Dumaual.


If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA