TV Patrol

House blessing ng PBB, nagmistulang mini-reunion ng mga dating mga housemates

ABS-CBN.com November 09, 2018 07:31 PM


Sa bagong season ng Pinoy Big Brother, bagong bihis din ang bahay ni kuya. At sa naganap na house blessing, nagmistulang mini reunion na rin ito ng mga dating housemates.


Fresh, makulay at kakaibang ayos ang bagong bihis ng bahay ni Kuya sa Season 8 ng Pinoy Big Brother.


Ayon sa staff ng programa, ang mga ginamit na materyales sa renovation ng bahay ay lahat local materials. Mula sa dingding, kama, sheets furniture at accent pieces, lahat ay gawang Pinoy.


Mala-botique hotel ang look ng bagong bahay. Kapansin-pansin ang tig-apat na kama sa girls at boys’ bedrooms.


Wala na ring mga salamin sa dingding at nagkalat sa paligid ang limampung robotic cameras.


Sa house blessing kahapon (November 8), present ang buong staff ng PBB, ABS-CBN executives, mga hosts at mga dating housemates.


Nagmistulang mini reunion at throwback kwentuhan ang kanilang pagkikita. Pero mas excited sila sa papasok na housemates simula bukas (November 10).


Konektado naman daw ang mga kaganapan sa Star Hunt ayon kay Robi Domingo at deserve naman ng mga housemates ang kanilang pagpasok sa bahay ni Kuya ayon naman kay Melai Cantiveros.


At ang unang big reveal sa opening night bukas, may crucial participation ang past big winners ng reality show sa ilang housemates na papasok sa bahay ni Kuya.


Ang buong detalye sa pagpapatrol ni MJ Felipe.


If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA