TV Patrol

Musical tampok ang mga bata ng Eraserheads, balik-entablado

ABS-CBN.com March 14, 2019 08:08 PM


Balik entablado ang hit musical na “Ang Huling El Bimbo” tampok ang mga hits ng Eraserheads.


Siksik sa nostalgic feels ang pagbabalik entablado ng “Ang Huling El Bimbo”, isang istorya ng magkakaibigan na kwinento gamit ang mga tatak na hits ng iconic Pinoy band mula 90s, ang Eraserheads. Kabilang sa mga kanta ang “Pare Ko” at “Overdrive”.


Excited ang mga bidang sina OJ Mariano, Gian Magdangal, Jon Santos, at Menchu Lauchengco-Yulo na mapanood ang millennials sa 90s set up ng play.


“Marami sa mga millennial din ngayon, ano sila eh, nakikinig sila ng iba’t ibang klaseng music. Marami sa mga millennials, mga parents nila, panahon ng Eraserheads,” ani Gian.


“I will always consider college as a very special part of my life. Sana ‘yun din ‘yung nagre-resonate din sa mga manonood,” ayon naman kay Jon.


Bukod sa mga bagong bida, handog din ng rerun ang mga bagong eksena.


“But in terms of the characterization, we had more solid characters right now…” ani ng direktor na si Dexter Santos.


If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv
 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA