TV Patrol

Lady Gaga, Dua Lipa at Cardi B, kabilang sa mga nagwagi sa 61st Grammy Awards.

ABS-CBN.com February 11, 2019 08:26 PM


Apaw ang girl power sa 61st Grammy Awards sa Los Angeles sa Amerika. Karamihan ng mga nanalo at nag-perform ay mga babae, tulad nina Dua Lipa na Best New Artist at Cardi B na nag-uwi ng Best Rap Album.


Wagi naman bilang Album of the Year si Kacey Musgraves habang Best Pop Duo performance ang “Shallow” nina Lady Gaga at Bradley Cooper. Record song of the Year naman ang “This is America” ni Childish Gambino.


Star-studded ang performances sa pangunguna nina Camilla Cabello, Ricky Martin, Miley Cyrus, Shawn Mendes, Diana Ross, Alicia Keys, Cardi B, at ang surprise appearance ni former First Lady Michelle Obama.


If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv
 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA