TV Patrol

Dark side ni Ganda sa Bagani, ikinabigla ng netizens

ABS-CBN.com August 10, 2018 08:23 PM


Sunod-sunod na ang pagpapakita ng bagong anyo ni Ganda (Liza Soberano) na ikinabigla ng netizens sa Bagani.

Una nang nag-trending ang bangungot ni Lakas (Enrique Gil) nang harapin siya ng isang galit na Ganda at pinatay pa siya sa panaginip. Kagabi naman, muling nanaig ang dark side ni Ganda na hinarap ni Matadora (Aiko Melendez).

Ang kwento ng LizQuen, iinit pa ang mga pasabog bago ang nalalapit na finale. May sepanx o ‘separation anxiety’ na raw sila sa isa’t isa at sa show.

Para kay Enrique, ito ang isa sa pinaka-challenging na serye na napasama siya dahil sa mga eksenang kinunan.

Pagkatapos ng Bagani, hiwalay muna ng project sina Liza at Enrique. Si Liza ay tututok na sa shooting ng pelikulang “Darna.” Kapansin-pansin ang laki ng ipinayat ng aktres dahil sa matinding paghahanda sa iconic role. Ibinahagi niya na todo pa rin siya sa kanyang pagwo-workout kahit kulang ito sa tulog.

May pelikula rin si Enrique kung saan may posibilidad na makatrabaho niya ang kapwa Kapamilya heartthrob na si Daniel Padilla.

Huwag naman daw malungkot ang LizQuen fans dahil may proyekto pa rin silang magkasama. Tulad ng isang pelikula para sa Valentine’s at isang teleserye.

Nagpapasalamat naman sina Liza at Enrique dahil tuloy-tuloy ang suporta sa kanila sa Bagani bago ang finale week sa susunod na linggo.

Ang buong update sa LizQuen sa pagpa-Patrol ni Gretchen Fullido.

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA