TV Patrol

Angel Locsin, pinakalma ang mga nag-aalalang fans matapos siyang sumakay sa ilalim ng truck

ABS-CBN.com March 15, 2019 08:28 PM


Astig at walang stunt double si Angel Locsin nang sumakay sa ilalim ng tumatakbong truck sa The General’s Daughter.


Trending ang eksena sa hit teleserye at pinuri pa siya dahil wala siyang stunt double.


Pero pinakalma rin ang mga fans na nag-alala na baka makasama ito sa sakit niya sa spinal column na kakahilom lang.


WATCH: Angel Locsin, walang stunt double sa ilalim ng truck


“Nanghiram ako kay Tito Albert ng bulletproof vest para deretso ‘yung likod ko so habang nakasabit ako do’n or if in case malaglag, may protection na po. Inaalagaan ko po ang sarili ko, promise,” ani Angel.


If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv
 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA