TV Patrol

Ilang singers na sumalang sa 'Versus' segment sa ASAP, umapela na tigilan na ang bashing

ABS-CBN.com June 18, 2018 07:37 PM

 

Linggo-linggo inaabangan ang Versus ng ASAP kung saan nagtatagisan ng birit ang mga champion at multi-awarded singers, tulad nina Mitoy Yonting at Jovit Baldivio, Darren Espanto at Elha Nympha.

 

Pero hindi naiiwasan ng ilang netizens ang mag-bash sa hindi nila manok tulad ng nangyari sa Pinoy Dream Academy champion na si Laarni Lozada na inabot ng pintas sa pagsapaw umano sa Tawag ng Tanghalan finalist na si Eumee Capile.

 

Sinabi ni Laarni na hindi raw mapipigilan sa pagsabi ng kanilang saloobin ang mga tao pero sana ay hindi na lamang magsalita ng masama sa kapwa.
 

Ayon naman sa Jed Madela, kailangan talagang sumapaw dahil ito ang konsepto ng segment. Pero giit ni Jed na tila beterano na sa pagtanggap ng mga bashing na dapat may hangganan ang pananakit sa kapwa. Sa pamamayagpag ng mga tapatan ng mga singer, paalala rin ni Jed na lahat ng singer ay  may sariling spotlight at may sariling moment.

 

Para naman sa mga biriterong Mitoy at Jovit, trabaho lang, walang personalan ang sapawan.

 

Panoorin ang pagpa-Patrol ni Mario Dumaual sa report na ito.

 

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA