TV Patrol

Jenine Desiderio, ikinuwento na nag-sorry sa kanya si Elmo Magalona, dahil sa pananakit umano kay Janella

ABS-CBN.com November 06, 2018 08:26 PM


Sinagot ni Jenine Desiderio kung may plano ba silang magsampa ng kaso laban kay Elmo Magalona kaugnay ng pananakit umano nito sa anak niyang si Janella Salvador. Bunyag ni Jenine, hinarap siya mismo ni Elmo para humingi ng tawad.


“Finally, the truth came out na and ‘yun lang naman ang hinihingi namin and hindi naman siya basta-basta magsasalita kung sanang nagkaroon lang ng earlier admission that they promised also from their end.”


Ito ang paunang pahayag ni Jenine kasunod ng tell-all statement ng anak niyang si Janella na dumanas siya ng physical abuse kay Elmo. Personal na kinumpirma ni Janella sa ina ang insidente.


“I reached out. I’ve always been reaching out then sumagot siya.”


Ibinahagi ni Jenine na humingi ng professional help para ma-overcome ang trauma sa nangyari si Janella at maging si Elmo. 


“Medyo hindi madali ang pinagdaanan niya and we just want to make sure that she can cope.”


Lumapit din si Elmo kay Jenine at nag-sorry.


“In fairness, he apologized personally, three weeks after the incident. After talking to the Star Magic people, he texted me, asking if he could talk to me. I granted his request. The following day, nagkita kami and we had a one on one talk. That’s when he promised me about the public apology that didn’t happen.”


Nang tanungin kung magsasampa ba siya ng kaso, hindi pa ito sinagot ni Jenine.


Sa gitna ng tensyon, kinailangan pa ring magtrabaho ng ElNella sa kanilang show sa Canada nitong weekend. Awkward moment daw ito ayon sa mga netizens.


Ang buong detalye sa pagpapatrol ni MJ Felipe.


If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv
 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA