TV Patrol

Pinoy Boyband member na si Markus Paterson, naaksidente matapos sumalpok sa barrier ang minamanehong motorsiklo

ABS-CBN.com October 12, 2018 07:42 PM


Naaksidente nitong October 13 ng madaling araw ang isa sa mga miyembro ng Pinoy Boyband Superstar na si Markus Paterson. Ito’y matapos sumalpok ang minamaneho niyang motorsiklo sa isang concrete barrier sa Maynila.


Umiinda ng matinding sakit habang nakahiga sa stretcher ang 18 anyos na si Markus habang pinapatawan ng paunang lunas. 


Ayon sa isang safety officer na rumisponde sa nasabing aksidente, may nakitang deformity sa kanang paa ni Markus na sinususpetsang nabali. 


Isinakay ng taxi si Paterson ng tatlong lalakeng tumulong sa kanya nang makita nilang naaksidente siya sa Roxas Boulevard Service Road. Ayon sa kanila, nagmamaneho ng motorsiklo si Paterson nang sumalpok bigla sa isang concrete barrier. 


Pahayg ng mga nakakita, mabilis at walang ilaw nang nagmamaneho si Paterson sa kahabaan ng Roxas Boulevard.


Ang buong balita sa pagpa-Patrol ni Isay Reyes.


If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA