Toni at Alex, love interest si Sam Milby sa 'Mary, Marry me'.

ABS-CBN.com October 23, 2018 08:30 PM


Iikot sa love triangle ang 2018 Metro Manila Film Fest entry ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga na “Mary, Marry Me”.
 

Masaya sina Toni, Alex at Sam Milby sa pagkakapasok ng kanilang pelikulang sa MMFF ngayong taon. First time ito ni Toni sa festival.
 

“When we found out that we got in, sabi ko kay Alex, hoy grabe, dati, nanonood lang tayo ng film fest ngayon ang saya because we have an entry,” ani Toni.
 

Sa love triangle ng magkapatid iikot ang kwento kung saan masusubukan muli ang box office tandem nina Toni at Sam.
 

“I don’t think there’s any other way to be a part of MMFF again… being back with Toni, yeah, masaya,” ani namn ni Sam.
 

Special din ang pelikula para sa Gonzaga sisters dahil ito ang kanilang unang pagsasama sa big screen.
 

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA