TV Patrol

Elmo Magalona, naki-isa sa charity event kasunod ng kontrobersya kay Janella Salvador

ABS-CBN.com December 06, 2018 08:23 PM


Pagkatapos ng ilang linggong pananahimik, nakita ulit si Elmo Magalona. Nawala sa public eye si Elmo matapos ang kontrobersya sa kanila ng dating ka-loveteam na si Janella Salvador. Pero sa unang araw ng Disyembre, naki-join si Elmo sa charity event ng Star Magic sa Good Samaritan Nursing Home for The Elderly.


“Definitely feels so good kasi ‘yung feeling of giving back when you’ve gotten blessings in your life,” ani Elmo.


Aminado si Elmo na matindi ang pinagdaanan niya ngayong taon. Masalimuot ang naging ending ng pagsasama nila ni Janella na inakusahan siya ng physical abuse.


Nagkatrabaho pa ang dalawa sa Canada matapos pumutok ang isyu. Ayon kay Elmo, tuloy ang kanyang pag-move on.


“I’m doing fine naman, keeping my focus. And it’s really been a challenging year for me definitely and I’ll be honest, it wouldn’t have been possible naman without the help and the love of my family, my friends and siyempre mga sumusuporta sa akin,” paglalahad pa ni Elmo.


At ang pinakamalaking leksyon na natutunan niya sa napagdaanang problema, “You need to keep good company around you all the time so that ma-feel mo that you’re not alone,” kwento pa niya.


Ibinahagi pa ni Elmo na may paparating siyang proyekto sa susunod na taon.


Ang buong detalye sa pagpapatrol ni MJ Felipe.


If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv
 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA