TV Patrol

Kapamilya shows, ibinida sa Asia TV forum and market ng Singapore Media Festival

ABS-CBN.com December 06, 2018 08:49 PM


Mahigit tatlumpung Filipino Media companies ang dumalo sa Asia TV Forum and Market ng Singapore Media Festival 2018 kung saan country of focus ang Pilipinas.


Pagkakataon ito para ibida ng mga Pinoy ang local talent at content sa global market, mapa-TV, pelikula o digital platform.


Sa booth ng ABS-CBN, ibinida ang mga kapamilya teleserye gaya ng Ngayon at Kailanman, Araw Gabi, at Halik


“Very universal themes and we have very good production value na nag-travel na talaga ang content natin mostly our dramas to Asia, Africa and other countries around the world and we know we can even expand that reach so we’re here to showcase our new content,” ani ABS-CBN Head of Sales ng Asia at Latin America na si Wincess Gonzalez.


Pinakamabenta ngayon sa Asya ang Wildflower ni Maja Salvador. Pagdating naman sa pelikula, maraming foreign buyers ang interesado sa “The Hows of Us” at “My Perfect You”.


Pumirma naman ng Memorandum of Understanding ang ABS-CBN Films at Singapore-based company na Create Productions. Six picture deals sa loob ng limang taon ang collaboration ng dalawang production companies at nauna na ang horror movie na “Eerie.” Lahat ng pelikula ay intended for international release.


“ABS-CBN Films is already going global. There will be three projects, which would be coming from Create Productions and three coming from ABS-CBN Films. So one of which is “Magic Temple” so it’s something that we working on right now,” ani naman ni Star Cinema Managing Director Olivia Lamasan.


Full support ang mga Pinoy media companies sa goal ng Film Development Council of The Philippines na isulong pa ang Filipino talent at content sa international market.


Ang buong detalye sa pagpapatrol ni MJ Felipe mula Singapore.


If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv
 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA