TV Patrol

Paulo Avelino, aminadong ‘di pressured sa relasyon nila ng kanyang model girlfriend

ABS-CBN.com February 11, 2019 08:59 PM


Dagdag kilig naman para sa LizQuen ang rendition ng “214” ni JM De Guzman para sa pelikula nilang “Alone/Together.” Zero naman si Paulo Avelino sa Araw ng mga Puso habang may plano na si Matteo Guidicelli kasama si Sarah Geronimo.


Kasunod ng trending niyang halik sa nobyang si Sarah Geronimo sa kanyang concert, tiniyak ni Matteo Guidicelli na tuloy ang kanilang date sa Araw ng mga Puso.


Nai-block off ko kasi nasa isang management na kami,” biro ni Matteo.


Dinala ni Matteo sa next level ang relasyon nila ni Sarah sa paglipat niya sa Viva Artist Agency. Bagamat tumatanaw ng utang na loob sa ABS-CBN Star Magic, mas matimbang daw ang pag-ibig niya kay Sarah.


Without them, I wouldn’t be here also… it’s time that we would be one ship together for our future together,” dagdag pa niya.


Ayon kay Matteo, sa tamang panahon, magi-“I do” rin sila pero hindi raw totoo na engagement ring ang nakitang suot ni Sarah.


Nagpakilig naman si Paulo Avelino sa kanyang eksena bago mag-Valentine’s. Blessed daw si Paulo dahil naunawaan ng kanyang model girlfriend na si Jodie Tarasek ang demands ng kanyang trabaho.


Masaya ako kung nasaan ako ngayon. Hindi ako nape-pressure sa maraming bagay. I get to take things slow,” ani Paulo.


Ayon sa actor, wala silang Valentine’s date ni Jodie sa dami ng ite-tape nilang eksena nina Angel Locsin sa The General’s Daughter,  ”So baka dun ko na lang sila bilhan ng cake. Very thankful to all our Kapamilyas. Nakita naman namin sa ratings, social media. Wala talaga kaming mabibigay kundi husayan pa lalo itong serye.


Si JM De Guzman naman ay wala ring Valentine’s date. “De-date ko ‘yung sarili ko siguro.”


Konsolasyon kay JM ay dagdag kilig ngayon ang rendition niya ng “214” para sa pelikulang “Alone/Together” na pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil.


Ang buong kwento sa pagpapatrol ni Mario Dumaual.


If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv
 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA