TV Patrol

Bea tinukso nina Aga at direk Paul kung sino ang first love nya

ABS-CBN.com September 18, 2018 08:26 PM


Naaalala mo pa ba kung sino ang first love mo? Sa unang tambalan nina Bea Alonzo at Aga Muhlach, ipakikita ang tunay na kahulugan ng first love na kinunan pa mismo sa Vancouver, Canada.

“We want to change the meaning of first love kasi may nagsabi sa akin, may nagre-react, ‘first love? Ano ba ‘yan! Ang tanda n’yo na!’… just when you think you know about first love, then you watch the film, and then you’ll understand,” ani Aga.

Kwento ni Aga, handpicked nila ni Direk Paul Soriano si Bea Alonzo para maging leading lady. “Tinawagan ko siya,” ani Aga.

Masaya naman si Bea na nagkaroon siya ng pagkakataong makatambal sa pelikula si Aga.

“Noong time na hindi na siya gumagawa ng pelikula sabi ko, ‘My God, tapos na yata, hindi na yata ako magkakaroon ng pagkakataon’. Tapos eto na pala ‘yung perfect timing,” ayon kay Bea.

Tinukso naman si Bea nina Aga at Direk Paul at tinanong kung sino raw ba ang kanyang unang pag-ibig. Sinagot nina Direk Paul at Aga Muhlach na ang kanilang mga asawa ang kanilang first love.

Ikinatutuwa naman ni Bea na all out pa rin ang suporta ni Gerald Anderson. Spotted ang aktor sa graduation ni Bea para sa one month course sa Baking at Pastry Arts. Ayon kay Bea, isa raw si Gerald sa nagpapasaya sa kanya ngayon.

Showing ang “First Love” sa mga sinehan sa Oktubre 17.

Ang buong detalye sa pagpa-Patrol ni Gretchen Fullido.

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA