TV Patrol

Celebrities, naghain ng certificate of candidacy para sa Halalan 2019

ABS-CBN.com October 11, 2018 08:47 PM


Hitik sa showbiz ang Halalan 2019 dahil sa mga celebrities na naghain din ng kanilang certificate of candidacy.

Mistulang fans day ang pag-file ni Vilma Santos ng kanyang candidacy bilang second term representative ng Lipa City kasama ang kabiyak na si Senator Ralph Recto at kapartido sa One Batangas.

Hangad ng Star for All Seasons ang malinis na halalan. “Magkaroon tayo ng truthful and honest and peaceful election. ‘yan naman ang lagi kong dinadasal kasi alam naman natin ‘pag eleksyon medyo magulo pero sana this time mas lumawak na yung mga isip ng mga tao,” ani Vilma.

Kasama ang kanilang mga kapartido sa PDP-Laban, sabay namang nag-file ng kanilang COCs sina Richard at Lucy Gomez.

Gustong mag-second term Mayor ni Richard ng Ormoc. Si Lucy naman ay tatakbo sa kanyang third term bilang kongresista ng fourth district ng Leyte.

Fighting drugs is still our number one advocacy. Peace and order is still number one and to bring the businesses here in Ormoc City,” ani Richard.

Magpapasya naman si Richard Yap sa deadline ng COC filing sa isang linggo kung tuloy ang pagtakbo niya bilang Kongresista sa Cebu City North District.

It’s time that somebody else comes in who is not a traditional politician, who knows how to run a business and who feels that we need change,” ani Richard Yap.

Umeksena rin si Angelica Jones sa COMELEC Intramuros sa pag-file ng COC ng Kabayan Partylist pero nilinaw niya, local post ang balak niyang takbuhin sa Laguna at hindi Partylist candidate.

“Sinisigaw kasi ng aking mga kababayan na nami-miss nila ang serbisyo ko sa third district of Laguna so let’s wait and see,” ani naman ni Angelica.

Sa Lunes naman ang pag-file ng mag-amang Lito at Mark Lapid ng kanilang COCs sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition. Tatakbo si Mark bilang Mayor ng Porac, Pampanga at si Lito bilang Senador muli.

Ang mga eksena sa pagpa-Patrol ni Mario Dumaual.

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA