TV Patrol

Ejay Falcon, bumida sa isang episode ng K-drama series na Where Stars Land

ABS-CBN.com October 12, 2018 08:24 PM


Bumida si Ejay Falcon sa episode ng isang drama series sa Korea.


Isang ama na gagawin ang lahat makasama lang ang bagong panganak na asawa ang papel ni Ejay sa kanyang one-time guest performance sa K-Drama series na “Where Stars Land”. Kasama ni Ejay si Lauren Young sa nasabing episode. Kwento niya, kakaiba katrabaho ang mga Korean crew at actors.


“’Yung unang eksena ko isa sa pinakamabigat, fight scene do’n sa bida na si Lee Je-hoon. Lahat mahirap kasi iba nila shinu-shoot ang isang eksena parang ilang beses ‘yung anggulo ng mga camera tapos uulit-ulitin mo,” ani Ejay.


Ngayon, mas naa-appreciate ni Ejay ang effort sa likod ng K-Drama series at umaasa siya na hindi ito ang una’t huli niyang proyekto sa Korea.


Ang buong kwento sa pagpa-Patrol ni MJ Felipe.


If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA